pitong pu't isang beses ako titingin
sa buwan na nakabitin
at nag aabang
hanggang sa dumating ang mga alitaptap
palilibutan ang kapaligiran
at magdadala ng rason
kung bakit ako maniniwala ulit
dalawang mata ang aking bubuksan
babangon dahil matagal na akong naiinip;
nag-aalinlangan; nauubusan ng lakas
ang karagatan ang aking lunduyan
nais kong magbabad at maranasan
ang buhay na walang katapusan
muling masulyapan ang aking kabataan
walang ahunan
pwede bang dito nalang muna ako?
pwede bang balikan ang datihang reyalidad?
parang apoy sa kandila
madaling dumating at ganun din kabilis lumipas
mapapansin na ang tanging mananatili
ay ang mga gunita ng iyong mga
pinagdaanan
na tangan-tangan ng pangatlong pagtiklop ng
inaasahan mong alon